214 - Jesus, Nangako Ako

Jesus, nangako akong maglingkod sa Iyo
At ang tanging hiling ko ako'y tulungan Mo;
Dumating kahit anong sari-saring tukso
Ako'y di maaano ako'y mananalo!

Kasamaa'y malimit sa 'ki'y lumalapit,
Ako ay kinakabig, Dinadayang pilit,
Ako'y walang panganib anumang sumapit,
Sa tulong ng 'Yong bisig ako'y mananaig!

Jesus, may pangako Kang sa ami'y sasama,
Kami'y di nag-iisa hin di nangangamba;
Kaya nga't nananatang hanggang may hininga
Kami ay tatalaga sa lahat Mong pita.

0:00 0:00